|
Originality
is the art of concealing your sources

Nandito
ka ngayon sa websayt ni Dan Ramon P. Geromo,
isang nilalang na cute. Kung naliligaw
ka lang at di naman talaga ito ang balak mong puntahan, ikutin mo na
din 'tong site na 'to. Sayang naman, nandito ka na rin lang.
Kung
hindi mo pa alam ang gagawin mo, eto ang mga maimumungkahi ko:
1.
Wag mo nang pindutin yung .
Nandito ka na eh.
2.
Punta ka sa .
Ito ang pinakapuno't-dulo ng sayt na ito: ang mapakita sa iyo at sa sanlibutan
kung gaano kapapangit ang mga drowings (, atbp.) ni Dan at kung gaano
siya kabaliw. Marami na ang mga nagsuka at nasiraan
ng bait at nang-hostage at unti-unting naging taong-grasa na mga kawawang
nilalang na nasobrahan sa kakatingin sa artworks niya. Lalo na
yung mga taong takot sa kulay. At sa buhay. At sa buhay makulay. Culkin.
Good luck and God bless.
3.
Pag napagsawaan mo na yung Gallery, daan ka sa
.
Dito na lang kasi tinamabak ni Dan yung mga litrato niya kasi wala naman
siyang pambili ng matinong photo album. At kung may photo album man siya,
puno na ang mga ito ng mga Marvel at X-Men cards kaya wala na siyang paglalagyan
ng mga litrato.
Enjoy.
4.
Tapos, punta ka sa .
Kasi, di mo lang naitatanong, may delusyon si Dan na maging isang sikat
na artista balang araw, kaya ganado siyang umepal sa mga short
films. Maaring mabilog ang utak mo sa mga pinagsasasabi sa pahinang ito.
Bahala ka.
5.
And then, sa
ka pumunta. Pero kahit wag nalang. Mga listahan lang ito ng mga sayt na
trip puntahan ni Dan. Kasi adik yun sa Internet eh. Dati takot siyang
gumamit ng computer, pero nung natuto na, ayan, nalulong na. Hehehe.
Maaring maaliw (at muli, mabaliw) ka din sa mga banners na alay ni Dan
sa mga mahal nitang websayts.
6.
And lastly, please please please punta ka sa
. Kasi
importante para kay Dan ang mga komento mo, masakit man ang mga ito o
hindi. Masaya na siya na kahit papano ay may nagtitiyaga at pumapansin
sa sayt niya. Mag-iwan ka lang sana ng isa o higit
pang munting mensahe (na may smiley din daw sana) matapos mo ilagay yung
fake mong pangalan at imbentong e-mail address (na gawain din ni Dan madalas
sa ibang mga sayts at blogs). Tapos i-klik ang <SHOUT>
nang magkaliwanagan na. Oki?
O
ayan, alam mo na ang gagawin mo. So, go! Mag-Prenshter ka nalang! Wala
kang mapapala dito. Masusuka ka lang sa mga kulay dito. Hindi ka pa makakapamik-ap
dito. Walang tsikas dito. Puro mga superheroes at mga cartoons lang ang
makikilala mo.
Ayus ba yon? Yehey.
At paki-add nalang daw po si Dan. Heehee.
Pagpasenyahan
mo na nga pala kung masyadong maraming pop-ups. Ganyan talaga pag libre
lang yung site, maraming patalastas.
O,
siya. Sige.
Salamat.
Salamat. Salamat.
And
remember: The Power is YOURS!
p.s.:
Feel free to copy-paste any of the images in this site. Basta sana wag
niyo lang pagkakitaan o ibenta kasi maraming kakilalang abogado si Dan.
As in madami talaga! Ayus.
[Top]
Copyright© Dan Ramon P. Geromo
|